Charter ng GOCCs aamyendahan
September 19, 2004 | 12:00am
Itutulak ng Senado ang pag-amyenda sa charter ng mga government owned and controlled corporations (GOCCs) upang tuluyang makontrol at matapyasan ang milyon-milyong pisong suweldo at mga benepisyo na tinatanggap ng mga opisyal nito.
Isang panukalang batas ang nakatakdang ihain ni Senador Manny Villar na naglalayong ibasura ang probisyon ng mga GOCC charter na nagbibigay karapatan sa mga opisyal nito na magdesisyon kung magkano ang kanilang tatanggaping suweldo at mga benepisyo.
Iginiit ni Sen. Villar, chairman ng Senate committee on finance, na hindi dapat ipinagmamalaki at gawing dahilan ng GOCCs na hindi sila sakop ng Salary Standardization Law o SSL kaya ganoon na lamang kataas ang kanilang suweldo.
Aniya, walang sinumang opisyal ng bansa ang dapat makatanggap ng sahod at benepisyo na mas malaki pa kaysa sa tinatanggap ng Pangulo ng Pilipinas.
"Hindi naman yata tama na mas malaki pa ang suweldo mo kaysa Presidente. Mali iyon," sabi ng senador.
Nabulgar sa ulat ng Commission on Audit na umaabot sa P2 hanggang P9 na milyon ang taunang suweldo ng karamihan sa mga namumuno ng GOCC at Government Financial Institutions. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended