^

Bansa

Credit program sa mga negosyante ng bigas binubuo

-
Iniulat kamakailan ni Agriculture Secretary Arthur Yap na ang kanyang kagawaran ay bumubuo ng isang programa ng pautang na tutugon sa mga pangangailangan ng mga tagakiskis, mangangalakal, namumuhunan at distributors ng bigas sa kapital para sa kanilang operasyon, pagpapalawak ng negosyo at imprastraktura.

Sa kanyang pahayag sa third quarter meeting ng Ginintuang Ani Rice Program noong Miyerkules, sinabi ni Yap na hindi na gaanong magbibigay ng subsidy ang pamahalaan sa sektor sa halip ay magbubukas ng mga credit facilities sa tulong ng Land Bank, Quedancor at Agricultural Credit and Policy Council.

Bagamat naniniwala ang DA na malalagpasan ng pamahalaan ang kasalukuyang krisis, kukumbinsihin din nila ang mga lokal na pamahalaan na pasanin ang bahagi ng subsidy sa mga magsasaka.

"Naniniwala akong dapat natin ilaan ang ating mga resources sa kung sino ang pinakamalaki ang pangangailangan dito," ani Yap.

Kaya hahayaan na ng DA na magsarili ang mga progresibong magsasaka na nakikinabang sa mataas na produksiyon at kita at tutulungan din silang maging mga negosyante.

Hinikayat ni Yap ang mga kasapi ng programa na makipagtulungan sa mga LGU, pribadong sektor, mga stakeholders ng sektor ng bigas at malalakas na kooperatibang magsasaka upang mapalawig ang programa.

AGRICULTURAL CREDIT AND POLICY COUNCIL

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR YAP

BAGAMAT

GININTUANG ANI RICE PROGRAM

HINIKAYAT

INIULAT

KAYA

LAND BANK

MIYERKULES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with