Sec. Perez gumagamit na rin ng Pinoy gas saving device
September 7, 2004 | 12:00am
Maging si Sec. Vince Perez ng Department of Energy (DOE) ay gumagamit na rin ng gas saving device na naimbento ng Pinoy na si Pablo Planas bilang pangunahing solusyon sa pagtitipid sa pagkunsumo ng gasolina sa sasakyan.
Ayon sa DOE, mismong ang Honda accord na sasakyan ni Perez ay kinabitan ng Kahos Super Turbo Charger (KSTC) upang masubukan kung gaano ito kaepektibo sa pagtitipid ng gasolina.
Ikinabit ang KSTC sa sasakyan ng Kalihim bilang bahagi ng pagsusuri na isinagawa.
Bukod sa Honda Accord ni Perez, kasama ring ipinasuri ang isang taxicab na Toyota Corolla model 1996, isang Ford XLT Expedition, Mazda Power van at Toyota Tamaraw FX na Asian Utility Vehicle (AUV).
Bilang bahagi nang pagsusuri, ang Honda Accord ni Perez ay pinatakbo nang mahigit sa 56 kilometro. Datiy komukunsumo ito ng 5.29 litro ng gasolina noong wala pang nakakabit ng KSTC, lumitaw na nakaubos lamang ito ng 3.67 litro ng gasolina at nakatipid ito ng 1.42 litro o 26.84% sa kabuuang konsumo. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended