3 Indon drug traders tiklo
September 7, 2004 | 12:00am
Tatlong Indonesian trader na hinihinalang miyembro ng international drug syndicate na sangkot sa pagbabagsak ng droga sa bansa ang nasakote ng mga awtoridad kasabay ng pagkakasamsam sa mga ito ng P25 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Sr. Supt. Bernardo Bondoc, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nadakip na suspek na sina Herwaly Ng, Maimun Wagimin at Khoe Hong Gek, pawang mga babae at nasa hustong gulang.
Ayon kay Bondoc, ang tatlong dayuhan ay pinigil ng mga tauhan ng PDEA kasama ang mga airport police matapos na makumpiskahan ng 9.75 kilong shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P25 milyon sa kanilang bagahe.
Nadiskubre ng isang nakatalagang x-ray technician sa NAIA Terminal 2 na si Nelson Edano ang nasabing ipinagbabawal na droga nang makita niya ito sa x-ray scanning machine. Nang masuri na talagang shabu ang mga bagahe ng tatlong Indonesian ay agad na inaresto ang mga ito.
Dumating ang tatlong suspek sa bansa mula sa Hong Kong lulan ng Philippine Airlines flight PR 307 bandang alas-7:35 ng gabi.
Hinihinala ng awtoridad na kasabwat ang mga suspek sa malalaking sindikato ng droga sa Hong Kong gaya ng 14 K drug group, Hong Kong triad at Bamboo Gang na responsable sa pagpasok ng droga sa Pilipinas. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended