^

Bansa

Panukalang iklian ng oras ng mga mall binira ni Recto

-
Tutol si Sen. Ralph Recto sa panukalang iklian ang oras ng pagbubukas ng mga shopping malls bilang isang paraan ng paghihigpit ng sinturon sa gitna ng fiscal crisis na kinakaharap ng bansa.

Ayon sa senador, hindi apektado rito ang mga mahihilig magtungo sa mga mall kundi mga negosyante at mga maliliit na trabahador na karamihan ay nakabatay sa oras ng kanilang pasok ang kanilang sinasahod.

"If you have to shorten operating hours of these stores, you don’t have to punish the mallrats. You punish the stores, their workers and the long supply of chain for the products sold here," paliwanag ni Recto.

Aniya, taliwas ito sa layunin ng gobyerno na magkaroon ng mga negosyo, kaya kung lilimitahan ang oras para na rin sinabing itigil na ang pagnenegosyo.

Sinabi pa ng senador na sa halip limitahan, dapat na dagdagan pa ng mahabang oras ng kalakal dahil ibig sabihin nito mas maraming perang papasok sa pamahalaan.

Tahasan ding sinabi ni Recto na hindi dapat pakialaman ng mga taong ni hindi nakapagpatakbo ng sari-sari stores ang operasyon ng malls.

Aniya, dapat na pabayaan na lang ito sa sektor ng kalakal kung ano ang nararapat at kung ano ang magiging kontribusyon nila sa krisis na kinakaharap ng bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AYON

ORAS

RALPH RECTO

RUDY ANDAL

SINABI

TAHASAN

TUTOL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with