Pangungutang ng Pinas pakikialaman ng Kongreso
August 27, 2004 | 12:00am
Upang hindi lalong mabaon sa utang ang Pilipinas, isinulong kahapon ni Alliance Volunteer Educators (AVE) party-list Rep. Amang Magsaysay ang panukalang batas na magbibigay ng karapatan sa Kongreso na makontrol ang pangungutang ng gobyerno.
Nais ni Rep. Magsaysay na pakialaman ng Kongreso ang pagtatakda ng public debt ceiling upang masagip ang bansa sa krisis pananalapi.
Dapat aniya na ipako na lamang sa $1.2 trilyon ang kabuuang utang ng bansa at siguraduhing hindi ito lalampas sa nasabing halaga.
Sa kasalukuyan umaabot na sa $96.8 bilyon ang kabuuang utang ng bansa habang nasa $3.6 bilyon naman ang budget deficit.
Nakasaad sa panukala ni Magsaysay na kung sosobra sa itatakdang public debt ceiling at hindi maiiwasan ang panibagong pagkakautang ay kailangang idaan muna ito sa pag-apruba ng "two-third ng lahat ng miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa hiwalay na botohan.
Ang anumang pagbabago sa kategorya ng mga utang ay kailangang pagtibayin din ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
Ikinatuwiran ni Magsaysay na mahalagang manghimasok na ang Kongreso sa usapin ng mga utang panloob at panlabas upang malimitahan o mawala na ang pagiging pala-asa sa pangungutang ng gobyerno.
Sa halip anya na umisip ng paraan ang gobyerno, tuwing kakapusin sa pondo at lolobo ang budget deficit ay pangungutang kaagad ang naiisip na solusyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest