^

Bansa

Karagdagang benepisyo sa mga mamamahayag isusulong ni Sen. Jinggoy

-
Tututukan ni Sen. Jinggoy Estrada upang maipasa ang panukalang batas na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga mamamahayag sa gitna na rin ng sunud-sunod na pamamaslang sa tinawag sa fourth state ng gobyerno.

Ayon kay Sen. Estrada, ihahain niya ngayon ang Senate Bill 964 na mag-aamyenda sa Revised Penal Code na gawing kasong murder ang mga kasapi ng broadcast at print media media na pinaslang habang ginagampanan ang kanilang trabaho.

Sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), may 54 mediamen na ang napapaslang mula noong 1986 at wala ni isa man dito ang nalutas at nahuli ang salarin.

Sa Senate Bill 964, layunin nito na bigyang dadag na benepisyo ang mga mediamen kabilang dito ang pagbibigay tulong sa mga naulila ng biktima, dagdag na 50% sa regular na suweldo sa mga "on call" na journalist.

Kasama rin ang dagdag na overtime pay sa mga mamamahayag tuwing rest days o holidays at 10% night differentials mula sa regular na sahod sa mga naka-assign ng panggabi. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

JINGGOY ESTRADA

KASAMA

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

REVISED PENAL CODE

RUDY ANDAL

SA SENATE BILL

SENATE BILL

TUTUTUKAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with