Hiling na kalayaan ng 'killers' ni Ninoy ibinasura ng SC
August 4, 2004 | 12:00am
Tinanggihan ng Supreme Court (SC) ang kahilingan ng mga "killers" ni dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino na makalaya na mula sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa nakapagsilbi na sila ng minimum sentence.
Sa resolution na ipinalabas ng SC, ibinasura nito ang letter-petition na isinumite ng mga akusado sa Aquino at Rolando Galman case noong August 21, 1983.
Ayon sa SC, wala silang nakitang bagong argumento na makakapaghikayat sa kanila upang pagbigyan ang kahilingan ng mga akusado at sundalong sina Arnulfo Artates at Romeo Bautista.
Magugunita na una nang hiniling ng mga nabanggit na akusado sa SC na sila ay palayain na dahil napagsilbihan na nila ang minimum sentence na 10 taon mula sa 23 taong hatol o double life sentence na ipinataw sa kanila.
Ikinatuwiran ng mga akusado na sila ay walang kasalanan at inosente sa nasabing kaso dahil inabsuwelto sila ng Sandiganbayan.
Matatandaan din na mahigpit na tinututulan ng pamilya Aquino ang pagpapalaya sa mga nasabing akusado matapos itong hingan ng Department of Justice-Board of Pardons and Parole ng komento hinggil sa naturang petition ng mga akusado. (Ulat ni Grace Dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended