^

Bansa

Labanan ng minority leader sa Kamara pinasok ni Erap

-
Si dating Pangulong Joseph Estrada ang may pakana umano kaya nanalo bilang minority leader ng Kamara si Sorsogon Rep. Francis "Chiz" Escudero kaya mas marami ang botong nakuha nito kaysa sa kina San Juan Rep. Ronaldo Zamora at Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.



Ito ang sinabi kahapon ng isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan kaugnay sa nagaganap na bangayan sa minority sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Nabatid sa source na personal na tinawagan ni Estrada ang limang congressman na sina Teofisto Guingona III (Bukidnon), Vincent Crisologo (Quezon City), Eduardo Firmalo (Romblon), Oscar Malapitan (Caloocan City) at Antonio Serapio (Valenzuela City) upang hilingin sa mga ito na suportahan si Escudero.

Magugunitang kumalas sa administrasyon si Escudero na nagsilbing senior deputy majority leader noong 12th Congress bago sumapit ang kampanyahan sa nakaraang presidential elections upang suportahan ang kandidatura ni FPJ. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANTONIO SERAPIO

CALOOCAN CITY

EDUARDO FIRMALO

JACINTO PARAS

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

NEGROS ORIENTAL REP

OSCAR MALAPITAN

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

RONALDO ZAMORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with