^

Bansa

Bagong PNP chief ihahayag ngayon

-
Posibleng ihayag ngayong araw ni Pangulong Arroyo ang magiging kapalit ni Dir. Gen. Hermogenes Ebdane bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa pagdaraos ng State of the Nation Address (SONA) nito sa Kamara de Representantes.

Ito ang inihayag ng isang mataas na opisyal ng PNP na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Dahil dito, pigil hininga pa rin ang mga matataas na opisyal ng PNP lalo na ang mga sinasabing ‘kandidato’ bilang PNP chief na papalit sa puwesto ni Ebdane na magreretiro naman sa Disyembre 30, 2004.

Sinasabi na dahil sa "revolving door policy" ng gobyerno ay maagang mamamaalam si Ebdane sa kanyang puwesto. Gayunman, sinabi ng source na posibleng gawing isang miyembro ng Gabinete ng Pangulo si Ebdane.

Kabilang sa mga "contenders" ay ang 2nd man ng PNP na ngayo’y target umano ng black propaganda na si P/Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay, chief ng PNP Administration at hepe ng PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (AID-SOTF); P/Dep. Dir. Reynaldo Velasco, hepe ng PNP-Transnational Crimes at P/Dep. Dir. Virtus Gil, hepe ng PNP Operations.

Ang tatlong nabanggit na opisyal ay pawang malapit na ring magretiro at ilang buwan na lamang sa serbisyo kaya marami ang tutol na maluklok sila sa posisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EBDANE

EDGAR AGLIPAY

HERMOGENES EBDANE

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PNP

REYNALDO VELASCO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with