Malawakang PNP revamp nakaamba
July 12, 2004 | 12:00am
Inihahanda na ang malawakang pagbalasa sa hanay ng mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Ayon sa isang mapapanaligang source sa Camp Crame, sinimulan na ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB) ang pagrebisa at evaluation sa mga performance ng ilang regional at provincial directors at police commanders.
Sinabi ng source na posibleng unahing masibak sa puwesto ang mga PNP official na tahasang sumuporta sa kalaban ng administrasyon nitong nakalipas na eleksyon.
Pinag-aaralan na ng SOPPB kung sinu-sinong PNP officials naman ang mapalad na mailuluklok sa mga mababakanteng posisyon sa rehiyon at distrito.
Inihayag na ilan sa mga "criteria" na gagamitin para sa rigodon ng mga field at ground commanders ay ang haba ng kanilang panunungkulan sa isang lugar at kanilang performance.
Posible namang manatili ang mga opisyal sa kanilang area kung naging mataas ang nakuhang boto umano ng Pangulong Arroyo sa kanilang hurisdiksyon.
Isa sa dehado o mamalasin aniya ay ang mga PNP official mula sa Luzon dahil sa pagkatalo o hindi naging malaki ang lamang ng Pangulo sa mga rehiyon laban sa mahigpit nitong kalaban sa pagkapangulo na si Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino standard bearer Fernando Poe Jr.
Apektado sa pagbalasa dahil sa overstaying sa puwesto sina P/Chief Supt. Pedro Bulaong na kilalang malapit kay GMA ng Western Police District, P/Chief Supt. Marcelino Franco ng Northern Police Disrtict, P/Sr. Supt. Benjamin Mantele ng Caloocan City Police at P/Sr. Jovy Gutierrez ng Makati City.
Maaaring ipalit kay Bulaong sa WPD ay si P/Sr. Supt. Roberto Rosales, Cavite provincial police director habang si Bulaong ay sinasabing malilipat sa Region 3 na kilalang rehiyon na lantaran ang operasyon ng jueteng.
Inihayag naman ni P/Dir. Jose Lalisan Jr., hepe ng PNP personnel, records and management na ang re-shuffle ay bahagi lamang ng dynamic process sa PNP. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended