Pag-aarmas sa mga hukom pinamamadali
July 5, 2004 | 12:00am
Pinamamadali na ng Korte Suprema sa Office of the Court Administrator (OCA) ang pag-aaral sa kahilingang armasan at bigyan ng bodyguards ang mga hukom sa bansa.
Sa isang pahinang resolusyon ng SC en banc, inatasan nito si Court Administrator Presbitero Velasco na magsumite na ito ng rekomendasyon sa loob ng 30 araw, mula noong Hunyo 29.
Kabilang pa sa isusumiteng ulat ni Velasco sa High Tribunal ang pagbuo pa ng ibang konsepto sa ibang pamamaraan na makakatulong sa proteksiyong maaari pang ilatag para sa mga huwes na may malaking posibilidad na manganib ang buhay, lalot nasa walong hukom na ang karumal-dumal na pinaslang.
Bukod dito, pinatututukan din kay Velasco ang kaso ng mga napaslang na huwes, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan kay Philippine National Police (PNP) Chief, Director Gen. Hermogenes Ebdane upang mapabilis ang imbestigasyon.
Kamakailan, hiniling ng Philippine Judges Association (PJA) sa mataas na hukuman ang pag-aarmas sa mga hukom kasunod ng kahilingan ng maybahay ng napaslang na si Tanauan, Batangas Judge Voltaire Rosales na bigyan ng bodyguards ang mga huwes para proteksiyunan ang sarili.
Gayundin ang naging kahilingan ni Quezon City Metropolitan Court Judge (MetC) Branch 38 Judge Ralph Lee noong Hunyo 18, 2004.
Kaugnay nito, nilinaw ni Deputy Court Administrator Zenaida Elepano na ang SC ang babalikat sa gastusin sakaling mapatupad ang pag-aarmas at pagbibigay ng escorts sa mga huwes kayat ang mataas na hukuman din ang magbibigay ng go signal o mag-aapruba kung dapat itong ipagkaloob.
Sa record ng OCA, si Judge Rosales ang pang-8 biktima at 7 pa na kinabibilangan ng kaso ang pagkakapatay noong Nobyembre 1, 1999 kay Borongan, Samar RTC Judge Celso Lorenzo; taong 2002 si Judge Ariston Rubio ng Batac, Ilocos Norte RTC Judge Hassan Ibnohajil ng San Jose, Occidental Mindoro; Judge Eugenio Valles ng Ilocos Norte RTC; Judge Oscar Gaby Uson ng Tayug, Pangasinan at taong 2003 sina Binangonan, Rizal Judge Paterno Tiamson at Kabugao, Apayao RTC Judge Piner Biden. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest