12 doktor binawian ng lisensiya
July 4, 2004 | 12:00am
Tuluyan nang tinanggalan ng lisensiya ang 12 doktor na pawang nagtapos sa Fatima College of Medicine sa Valenzuela City matapos na masangkot ang mga ito sa dayaan noong 1993 Physician Licensure Examination.
Sa 31-pahinang desisyon ng SC 2nd Division, pinababawi ang lisensiya nina Arlene de Guzman, Celerina Navarro, Rafael Tolentino, Bernardita Sy, Gloria Jularbal, Hubert Nazareno, Nancy Chavez, Ernesto Cue, Herminio Fernandez Jr., Mari Victoria Lacsama at Merly Sta. Ana.
Nakasaad pa sa desisyon na ipinawalang-saysay ng Korte ang naging hatol ng CA noong Mayo 16, 2000 na kumatig sa naunang pagpabor ng Manila Reigonal Trial Court branch 52 noong Disyembre 19, 1994 sa mga respondents at pagbasura naman sa motion for reconsideration ng mga petitioner na huwag payagang makapanumpa ang mga doktor sa kabila ng napakataas na porsiyento ng pagkakapasa sa nasabing eksaminasyon.
Bagamat nakasunod sa requirements na itinakda ng bata ang mga respondents, hindi pa rin sapat na batayan para payagan silang maging ganap na doktor o bigyan ng lisensiya at makapanumpa ang mga ito.
Lumalabas na pinagdudahan ang integridad ng exam ng mga respondents nang makakuha ito ng napakataas na resulta at naungusan nito ang mga nagtapos sa De La Salle University at halos walang mali at perfect pa ang mga ito sa itinuturing na pinakamahirap na subject sa larangan ng medisina.
Bunsod nito kaya sinampahan sila sa PRC ang administrative case. Nabatid na mula sa mahigit 70 respondents na sangkot at kinasuhan ng pandaraya, immorality, dishonest conduct at panloloko kaugnay sa bio-chem at ob-gyne examinations, 29 dito ay hindi na nagka-interes upang isulong pa ng kaso na magkaroon ng lisensiya, 22 ang hindi na nakalusot pa sa Appelate Court at ang iba naman ay dinismis sa kaso at ang 12 na lamang na naiakyat sa Korte Suprema ang binawian ng lisensiya.
Kinansela din ang kanilang examination papers at tinanggal sa roll ng mga lisensiyadong doktor. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended