^

Bansa

Mga bus na 15-taon na wawalisin sa lansangan

-
Payag ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) sa plano ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na maipatupad na ang pag-phase out sa mga pampasaherong bus nationwide na 15-taon na.

Dapat sana’y noon pang 2002 naisagawa ang phase out ng naturang mga bus subalit nakiusap ang mga bus operator na ipagpaliban ito pansamantala.

Kahapon, sinabi ni Alexander Yague, pangulo ng PBOAP sa isang panayam, na aprub na sa kanila ang naturang hakbang dahil ito naman ang itinatakda ng batas.

Marami anyang bilang ng mga provincial buses ay mga bago na ang kanilang unit bunsod na rin ng ginagawang pagtalima ng mga miyembro ng PBOAP sa naturang kautusan.

Sinabi din nito na sa 32 malalaking bus companies na kasapi ng PBOAP, ang kanilang mga lumang bus na may edad 15 taon na ay hindi naman isasantabi na lamang, bagkus ito ay gagamitin na lamang sa short route.

Tanging mga bagong unit lamang ang kanilang isasalang sa mga major routes tulad ng mahahabang destinasyon mula Maynila patungong mga probinsiya at vice versa. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ALEXANDER YAGUE

ANGIE

BUS

CRUZ

DAPAT

KAHAPON

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MARAMI

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with