Pimentel binira ni Miriam sa 'filibustering'
June 11, 2004 | 12:00am
Maaaring lagyan ng tape ang bibig ni Sen. Aquilino Pimentel sakaling ulitin nito ang ginawang filibustering noong nakaraang Martes kung saan halos limang oras ang inubos niya sa pagsasalita sa joint canvassing committee.
Ito ang sinabi kahapon ni Senator-elect Miriam Defensor Santiago kasabay ang panawagan sa chairman at co-chairman ng joint committee na parusahan ang mga magsasagawa pa ng filibustering dahil labag ito sa cloture rule ng Kongreso. Nakasaad sa cloture rule ang haba ng oras na maaaring gugulin ng isang mambabatas sa pagsasalita maliban na lamang kung papayagan ito ng tumatayong chairman.
Ayon kay Santiago, tumatayong private legal counsel ni Pangulong Arroyo, may kapangyarihan ang chairman at co-chairman ng komite na patahimikin at parusahan ang kanilanmg miyembro kung lampas na sa oras ang kanyang pagsasalita.
Magugunitang dahil sa inis, pinayagan ni Deputy Speaker for Visayas at Iloilo Rep. Raul Gonzalez ang filibustering ni Pimentel at sinabi pa nitong maaaring magtalumpati ang huli until doomsday.
Pero sinabi ni Santiago na kung walang magawa si Pimentel ay mas makabubuting isulat na lamang nito ang kanyang sexual exploits noong kabataan pa niya dahil mas magiging interesado pa ito kaysa sa kanyang sinasabi.
Ipinaliwanag ni Santiago na nagsimula ang "filibustering" noong panahon pa ng Roman Senate kung saan ay kakaunti lamang ang mga senador kaya lahat ay nakakapagtalumpati ng mahaba.
"In todays parliamentary practice, a filibuster is no longer considered heroic or glamorous, but futile and a pathetic annoyance," ani Santiago. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended