^

Bansa

Nanalong Isabela gov. ipoproklama na

-
Sa susunod na linggo na isasagawa ang proklamasyon ng nagwaging gobernador ng Isabela Province na si Grace Padaca matapos baligtarin ng Comelec ang nauna nitong desisyon na pumigil sa proklamasyon ni Padaca.

Binawi ng Comelec ang temporary restraining order (TRO) na inutos nito at sa oras na pirmahan ni 1st Division Presiding Commissioner Rufino Javier ang resolusyon ay opisyal nang ipoproklama si Padaca. Si Javier ay kasalukuyang "on-leave" at sa Lunes pa papasok. Nangako naman ito na agad pipirmahan ang resolusyon.

Pirmado na nina Commissioners Virgilio Garcillano at Ressureccion Borra ang resolusyon na kapwa pabor na iproklama si Padaca kasabay ng pag-amin na nagkamali lamang sila sa pagpapalabas ng TRO.

Inatasan na rin ng 1st Division ang Board of Canvassers ng Isabela na iproklama na si Padaca sa oras na makumpleto na ang lagda.

Matatandaang tinalo ni Padaca ang katunggaling si Faustino Dy subalit naghain ng demanda si Dy sa Comelec na nagpapa-disqualify kay Padaca sa akusasyong pananakot sa mga taga-Isabela sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan umano sa New People’s Army kaya ito nanalo.

Nabigo naman si Dy na patunayan ito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BOARD OF CANVASSERS

COMELEC

COMMISSIONERS VIRGILIO GARCILLANO

DIVISION PRESIDING COMMISSIONER RUFINO JAVIER

ELLEN FERNANDO

FAUSTINO DY

GRACE PADACA

ISABELA

ISABELA PROVINCE

PADACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with