^

Bansa

FX drivers aarestuhin 'pag nagtaas ng singil sa pasahe

-
Ipinag-utos kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-aresto sa mga driver ng FX taxi na magtataas ng singil sa pasahe kasabay ng pagtataas ng pasahe sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay LTFRB chairman Len Bautista, hindi dapat na sumabay sa inaprubahang P1.50 dagdag sa singil sa pasahe ng mga pampasaherong jeep, ang mga driver at operators ng FX taxi dahil wala naman silang aplikasyon para sa fare increase kaya wala silang karapatan na magtaas.

Ang P1.50 dagdag-pasahe ay ipatutupad sa Hunyo 9.

Samantala, nilinaw din ni Bautista na maging ang mga ordinaryong provincial buses at taxi ay hindi rin maaaring magtaas ng singil sa pasahe dahilan sa nakatakda pa lamang dinggin ng LTFRB ang kanilang petisyon sa Hunyo 8.

Gayundin, maging ang petisyon aniya ng Integrated Metro Manila Bus Operators Association (IMBOA) para sa dagdag na singil sa pasahe ay nakabinbin pa rin.

Ayon kay IMBOA president Claire dela Fuente, humiling sila sa LTFRB ng karagdagang P9 singill sa pasahe.

Nagpakalat na ng mga tauhan ang LTFRB para tiyaking magiging maayos ang implementasyon ng dagdag sa singil sa pasahe ng mga pampasaherong jeepney sa Hunyo 9.

Nakatakda ring magpulong ang pamunuan ng LTFRB, Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Office (LTO) para sa maayos na implementayon ng bagong fare hike.

Pinayuhan din ni Bautista ang mga driver ng mga jeep na ipaskil ang kanilang mga orihinal na kopya ng bagong fare matrix sa ipinapasada nilang jeep upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga pasahero. (Ulat ni Anna Sanchez)

vuukle comment

ANNA SANCHEZ

AYON

BAUTISTA

HUNYO

INTEGRATED METRO MANILA BUS OPERATORS ASSOCIATION

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEN BAUTISTA

PASAHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with