16 bayan sa Mindanao walang eleksiyon pero may binilang ?
May 21, 2004 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ng pamunuan ng Freedom Peace and Justice Movement (FPJM) na 16 bayan sa Mindanao ay hindi natuloy ang eleksiyon pero may mga binilang na certificate of canvass (COCs) ang Commission o Elections.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Manny Portez, chairman ng FPJM, lubha nilang pinagtakhan kung bakit nagkaroon ng bilangan ng mga balota sa nabanggit na mga bayan tulad ng Sultan Kudarat at Maguindanao gayung hindi naman natuloy ang eleksiyon dito.
Ayon kay Portez, hihilingin nila sa Comelec na isailalim sa failure of elections ang nabanggit na mga bayan para magkaroon dito ng special elections.
Binanggit pa nito na hindi sila papayag na basahin ni House Speaker Jose de Venecia ang resulta ng halalan sa Maguindanao at iba pang lugar sa Mindanao hanggat hindi nagkakaroon ng special elections dito.
Binigyang diin ng naturang grupo na kung magpupumilit si de Venecia na basahin ang COCs sa Kongreso, maaari aniyang magkaroon ng isang malawakang "peoples protest".
Sinabi pa ng grupo na tanggap naman nila kung talagang talo sa halalan si FPJ pero kung may nakikitang dayaan ay hindi nila ito palalampasin. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended