^

Bansa

Canvassing sa Pasay City pinalilipat sa Comelec

-
Dahil sa paniniwalang may naganap na malawakang dayaan, hiniling kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ni Pasay City mayoralty bet Ding Santos (Lakas-CMD) na ilipat ng venue ang ginagawang canvassing ng balota sa kanilang lugar.

Ayon kay Santos, huwag ng ituloy ang canvassing sa Cuneta Astrodome sa halip ay ilipat na lamang sa Comelec sa Intramuros, Manila dahil may direktang access umano papasok sa loob ng astrodome ang kalaban nitong si incumbent Mayor Peewee Trinidad ng KNP at malaya umanong naisasagawa ang pandaraya.

Sinabi ni Santos, umaabot na sa 19 na falsified election returns at ballot boxes na ipinapasok sa loob ng Cuneta Astrodome ang nasabat ng kanyang mga tauhan at pito katao na sinasabing mga bata ni Trinidad ang nadakip ng PNP.

"Unang nahuli ng aking mga supporters ang ilang tauhan ni Trinidad na nagpapasok sa loob ng astrodome ng 7 ballot boxes at sumunod ang 12 pa kamakalawa ng tanghali," ani Santos.

Aniya, garapalan na kung mandaya ang kanyang kalaban kaya di na rin nakatiis ang libu-libong supporters nito kaya lumusob na ang mga ito sa Cuneta Astrodome at may dalawang gabi nang nagsasagawa ng prayer vigil.

Sinabi pa ni Santos, halos lahat ng polling precint sa Pasay City ay siya ang nanalo ngunit niluluto umano ng kanyang kalaban para siya malamangan sa ginaganap na canvassing. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANIYA

AYON

COMELEC

CUNETA ASTRODOME

DAHIL

DING SANTOS

ELLEN FERNANDO

MAYOR PEEWEE TRINIDAD

PASAY CITY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with