Administrasyon utak sa padded voters' list - KNP
May 3, 2004 | 12:00am
Muling inakusahan ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino ang administrasyon na nasa likod ng diumanoy planong "doktorin" ang talaan ng mga botante para tiyakin ang pagkatalo ni KNP presidential bet Fernando Poe, Jr.
Ang mga areas na nadiskubreng may mga padded na voters list ay ang Davao, Cagayan de Oro, at mga siyudad sa Iligan at Subic, Zambales.
Matatandaang kamakailan lamang ay may nadiskubreng mga padded voters list sa Pasig City, Las Piñas at Taguig kung saan biglang lumobo ang bilang ng mga botante.
Galit na galit naman si Comelec Chairman Benjamin Abalos na mabilis na ipinag-utos ang masusing imbestigasyon ng nasabing padded lists.
Sinabi ng KNP na handang-handa na ang mga galamay ng administrasyon sa gagawing massive cheating upang talunin si FPJ na ayon sa partido ay ang totoong napupulsuhan ng taumbayan upang mamuno sa bansa.
Kamakailan lamang ay may nakalap na intelligence report ang KNP mula sa military na babaha ng pekeng peso bills na may denomination na P100, P500 at P1,000 isang linggo bago dumating ang halalan upang ibagsak ang kandidatura ni FPJ.
Ayon sa KNP, ang intel report ay nakalap mula sa mga miyembro ng military na "nananatiling tapat sa republika" at handang ipagtanggol ang kasagraduhan ng balota sa nalalapit na eleksiyon.
Sinabi ng intel report na ipapamahagi ang mga pekeng bills sa mga operators ng Malacañang na binubuo ng mga mayor at gobernador upang gamitin sa napaulat na Oplan Tinta at vote-buying operations.
Sa nasabing Oplan Tinta ay babayaran ng P300-P500 ang bawat botante kapalit ng paglalagay ng tinta sa kanilang daliri. Ang ipambabayad umano sa mga botanteng ito ay mga pekeng peso bills. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended