^

Bansa

Libreng legal assistance sa mga guro sa Mayo 10

-
Magbibigay ng libreng legal assistance ang Department of Education katulong ng ilang grupo ng mga abogado at Comelec sa mga gurong magsisilbi bilang miyembro ng Board of Election Inspectors (BEIs) para sa halalan sa Mayo 10.

Nilagdaan kahapon ang isang Memorandum of Agreement (MOA) na may temang "Tanggol Guro sa Halalan 2004-A Teachers Defence Network" na ang pangunahing layunin ay magbigay ng libreng legal assistance sa mahigit na 150,000 mga pampublikong guro na inaasahang maglilingkod sa bayan sa Mayo 10.

Sa rekord ng mga nagdaang halalan, maraming mga guro ang umano’y nakaranas ng panghaharass, pananakot at pananakit buhat sa ilang mga grupong nais na guluhin at sirain ang malinis at mapayapang halalan.

Kinabibilangan ito ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine Asso. of Laws (PALs), Lawyers League for Liberty (Libertas) at Legal Officers Asso. of the Department of Education (LOADED). (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

A TEACHERS DEFENCE NETWORK

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDWIN BALASA

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

LAWYERS LEAGUE

LEGAL OFFICERS ASSO

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PHILIPPINE ASSO

PUBLIC ATTORNEY

TANGGOL GURO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with