^

Bansa

Oplan Tinta ni GMA ibinuking

-
Ibinuking ni KNP senatorial bet Francisco "Kit" Tatad kahapon ang tinaguriang "Oplan Tinta" ng administrasyon ni Pangulong Arroyo kasabay ang pahayag ng Comelec ng kakulangan ng indelible ink na gagamitin sa halalan.

Ang mga area na target ng "Oplan Tinta" ay ang mga island provinces na kung saan may katagalan bago maiakyat ang reklamo sa Comelec at iba pang awtoridad.

Target ng Oplan Tinta ang Catanduanes, Masbate, Samar, Leyte at iba pang mga island provinces sa bansa.

Ang pangunahing magpapatupad ng Oplan Tinta ay ang mg gobernador at alkalde na tinawag ng grupo ni GMA na special operations team.

Sa nasabing Oplan Tinta ay babayaran ng halagang P300 hanggang P500 ang bawat botante kapalit ng paglagay ng tinta sa kanilang daliri.

Inihayag ni Tatad na aabot sa limang milyong boto ang madidis-enfranchise sa gagawin ng K-4 na Oplan Tinta kaalinsunod umano ito ng grand plan ng Malacañang na pababain ang turn-out ng botante sa mga lugar na malakas ang hatak ni FPJ. (Ulat ni Rudy Andal)

CATANDUANES

COMELEC

IBINUKING

INIHAYAG

LEYTE

OPLAN TINTA

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

TATAD

TINTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with