Tsuneishi-Aboitiz prexy kinasuhan
April 14, 2004 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang Japanese official na tumatayong pangulo ng Tsuneishi-Aboitiz matapos na lumutang ang mga ebidensiya na inutusan umano nitong pigilan ang pagbiyahe ng barko ng Negros Navigation Co. (Nenaco) noong Semana Santa na muntik ng magresulta sa pagkaka-stranded ng libu-libong biyahero.
Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Nenaco na ang ginawa ni Kenji Kawano, presidente ng Tsuneishi-Aboitiz ay labag sa stay-order na inutos ng Manila Regional Trial Court at labag sa interes ng mga pasaherong Pinoy.
Pinag-aaralan na ng mga abogado ng Nenaco ang susunod nitong legal na hakbang laban kay Kawano dahil sa pangha-harass umano sa Nenaco.
Bukod dito, magsasampa ng pormal na reklamo ang Nenaco laban rin kay Kawano sa Japan Embassy at sa DOTC. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest