^

Bansa

Accuser ni John O. kakasuhan ng perjury, slander

-
Nakatakdang kasuhan ni Sen. John Osmeña ng perjury, slander at libel ang call boy na umakusa sa kanya ng panggagahasa dahil sa pag-iimbento nito ng senaryo na hindi naman nangyari.

Ayon kay Osmeña, isang "kaluluwang ligaw" lamang ang nagreklamong si Diego Gomez matapos madiskubre na hindi ito nakatira sa address na kanyang ibinigay sa sinumpaang salaysay na isinumite sa Tagaytay City municipal court

Sinabi ni Osmeña, lalong tumibay ang kanyang paniniwala na isang demolition job lamang ang inilunsad upang hadlangan ang kanyang pagbabalik sa Senado.

"Hindi malayong may mga grupo na ayaw na ako’y makabalik sa Senado dahil alam nilang lahat na ang ginagawa nilang kalokohan ay nasisilip ko kaya nagkakaroon ng Senate hearing," wika ng senador.

Lumitaw sa Senate record na si Osmeña ay dumalo sa sesyon ng Senado at nakipagpulong sa tatlong kongresista, 70 barangay leaders noong Pebrero 5, 2004, ang petsang sinasabi ng complainant na nangyari ang rape.

Tiniyak din ni Osmeña na ilalantad niya sa lalong madaling panahon ang grupong nasa likod ng pagwasak sa kanyang reputasyon upang maiwasang maulit ang masasamang propaganda sa kanya.

Sinabi ng senador na kahit anong pagkilos para sirain ang kanyang kandidatura ay hindi makakaapekto sa isinasagawa niyang imbestigasyon sa maeskandalong P8.2 bilyong "sweetheart deal" sa pagitan ng Maynilad ng pamilya Lopez at ng pamahalaan. (Lilia Tolentino)

AYON

DIEGO GOMEZ

JOHN OSME

LILIA TOLENTINO

LOPEZ

LUMITAW

OSME

SENADO

SINABI

TAGAYTAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with