KNP binira ng INC leader
March 29, 2004 | 12:00am
Nadismaya ang isang leader ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo sa pahayag ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) na hindi nito kailangan ang boto ng INC para maipanalo si presidential bet Fernando Poe, Jr.
Ito ang sinabi ng INC leader na nagpatawag sa pangalang Ka Bernie na nagsabing dapat maging "mapagkumbaba" ang mga nasa kampo ni FPJ kung ibig nilang itaas ng Diyos.
Partikular na binatikos ni Ka Bernie si Rod Reyes, media bureau chief ng KNP, na siyang gumawa umano ng statement.
Ayon kay Ka Bernie, tila nalalasing na sa tagumpay ang kampo ni FPJ kahit malayo pa ang eleksiyon. "Hindi dapat magpasilaw ang sinuman sa liwanag na nakikita nila, lalo na kung malayo pa nila itong naaaninag," pangaral ng INC leader.
Aminado si Ka Bernie na nawalan siya ng gana sa mga ipinahayag ni Reyes na kayang manalo ng kanilang kandidato na si FPJ kahit wala ang suporta ng INC.
Nagtataka si Ka Bernie kung bakit nililigawan pa ni FPJ ang pamunuan ng INC kung nakatitiyak na si Reyes sa tagumpay ng kanilang pambato sa panguluhang halalan.
Iginiit ng lider ng INC na hindi hinahangad ng kanilang kapatiran na suyuin sila ng mga pulitiko. Pinuna nito na malayo ang katangian ni dating Pangulong Joseph Estrada na itinuturing na "kapatid" ng INC kumpara kay FPJ.
Idinagdag naman ni Ka Gerry, lokal na lider ng INC sa Taguig, na walang intensiyon ang INC na makipagkompetisyon sa ilang grupong relihiyon sa pagpapanalo ng kandidato. Aniya, ang misyon lamang ng INC ay mabigyan ng gabay ang kanilang kapatiran sa pagpili ng mga kandidatong makakapaglingkod ng mabuti sa bayan.
Dismayado rin siya sa pagmamaliit na ginawa ng kampo ni FPJ sa kanilang kapatiran na tiyak umanong babawiin ng KNP. "Pero kahit ano pang paliwanag ang gawin nila ay wala ng kapatid sa INC ang maniniwala sa kanila," ani Ka Gerry.
Lumitaw na rin umano ang katotohanan sa pag-uugali ni FPJ at ng kanyang mga kasama sa KNP na panlabas lamang ang ipinakikitang pagiging mapagkumbaba. "Mabuti naman hanggang maaga ay nakita na natin ang tunay nilang kulay at ang ganitong mga asal ay hindi natin puwedeng sandalan sa panahon ng kagipitan," dagdag pa niya. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am