Lacuna inupakan sa pasugalan
March 23, 2004 | 12:00am
Matapos akusahan ng umanoy pagtatago ng yaman, umalma naman ang mga residente ng Maynila partikular ang mga kapitbahay ni Vice Mayor Danny Lacuna ukol sa pasugalan at KTV bar na pagmamay-ari umano nito at nag-ooperate sa harap mismo ng tahanan ng bise alkalde.
Ang nasabing KTV bar at pasugalan ay matatagpuan sa tapat ng kontrobersyal na mansiyon ni Lacuna sa Biyaya Street, Sta, Mesa, Manila.
"Residential po ang aming lugar at sa gabi po ay maingay ang KTV na iyan ngunit magreklamo man kami ay balewala din dahil kay Vice Lacuna," pahayag ni Marita Punzalan na residente ng naturang street.
Ayon kay Aling Marita, isa umanong pamangkin ng bise alkalde ang tumatayong front nito sa KTV bar. "Perwisyo talaga iyang KTV bar niya, hindi makapag-aral na maige ang mga bata dahil sa ingay niyan, at istorbo sa aming pagtulog," wika niya.
Sinabi naman ni Conrado Gonzales na "hindi na sikreto sa aming mga Manilenyo na may illegal na pasugalan diyan at libo-libo ang pustahan diyan. Pero alam din naman namin na kapag nagreklamo ka ay markado ka kaya karamihan sa amin ay nagsasawalang-kibo na lamang."
Ang pasugalan ay hayagan umanong nag-ooperate dahil nakikita ito ng mga umiinom sa KTV bar sapagkat natatakpan lamang ng manipis na kurtina.
Nananatili rin umanong untouchable ito dahil ilang pulis-Maynila ang anilay tumatayong protektor nito at kung minsan ay kolektor pa. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended