^

Bansa

Noli, panalo ulit sa Ibon survey

-
Bali-baligtarin man ang survey, panalo pa rin si K4 vice presidential candidate Sen. Noli "Kabayan" de Castro, ayon sa pinakahuling resulta ng survey na ipinalabas ng Ibon Data Bank and Research Center.’

Ayon sa isang kilalang professor ng sikat na unibersidad na humiling ng anonymity, simple at malinaw ang nakasaad sa resulta ng panibagong Ibon survey, no. 1 muli si de Castro sa rating ng mga vice presidentiables.

Base sa survey, tumaas ng 12.02 puntos ang rating ni de Castro. Mula 25.39% noong Disyembre 2003, sumipa ang rating ng senador sa 37.41% upang manatiling pinakapaborito ng taumbayan.

Dahil sa biglang pagtaas ng grado ni Kabayan, dumoble ang lamang nito kay KNP Sen. Loren Legarda. Mula 3.62 puntos, tumaas sa 6.61 ang lamang ni de Castro kay Legarda.

Sinabi ng professor na hindi na dapat pahirapan pa ang pag-analisa ng resulta ng survey. Hindi anya puwedeng paghalu-haluin ang mga resulta ng iba’t ibang surveys para malaman kung lumalakas o humihina ang isang kandidato.

Sa bawat survey ng iba’t ibang survey oufits, ayon sa source, isa lang ang malinaw at ito ay ang palaging pangunguna ni de Castro.

Bago ang Ibon, idineklara ng Pulse Asia si de Castro bilang no.1 sa vice presidential race matapos nitong tambakan si Legarda.

Kamakailan lamang ay lumitaw din sa Pulse Asia survey na si de Castro ang pinakamagaling na senador matapos itong makakuha ng pinakamataas na grado sa senators’ performance rating.

Ayon naman kay lawyer Jesse Andres, sinasabi lamang ng mga survey na si de Castro talaga ang napipisil ng taumbayan na iluklok sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na eleksiyon. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

CASTRO

IBON

IBON DATA BANK AND RESEARCH CENTER

JESSE ANDRES

KABAYAN

LEGARDA

LILIA TOLENTINO

PULSE ASIA

SURVEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with