3 Colonel inaresto
March 3, 2004 | 12:00am
Tatlong colonel na pawang Army Reservist officer ang inaresto at ngayoy kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon matapos na matuklasang nagre-recruit ng kadete para lumahok sa destabilisasyon laban sa pamahalaan kapag nadiskuwalipika ang kandidatura ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) presidential candidate Fernando Poe, Jr.
Kinilala ang mga opisyal na sina Col. Ernie Amboy, Lt. Col. Nelson Eleazar at isang Lt. Col. Eduardo de Castro. Ang tatlo ay itinapon sa Mindanao at itinalaga sa First Division kung saan sila magre-report.
Sa impormasyong nakarating sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo, hinihikayat umano ng tatlong Army colonel ang may 100 kadete mula sa Army Reserve Command na nakabase sa Tanza, Cavite na sumama sa plano nilang mass actions kapag ibinasura ang kandidatura ni FPJ.
Sinabi ni AFP-Public Information Office Chief, Lt. Col. Daniel Lucero na kailangang maimbestigahan ang umanoy balakin ng tatlong opisyal upang mapigilan ang malaking posibilidad na maulit muli ang Oakwood mutiny.
Ayon kay Lucero, nadiskubre nilang sa halip na turuan ng military tactics sa digmaan ang nasabing mga kadete ay nire-recruit pala ang mga ito na sumali sa grupong magsasagawa ng pagkilos sakaling idiskuwalipika si FPJ ng Supreme Court (SC).
Nabatid pa na si Amboy ay dating commanding officer ng National Capital Region (NCR) Regional Committee Defense Group, si Eleazar ay nakatalaga naman sa Community Defense Center sa Cavite at si Castro ay dati naman nagsisilbi sa Army Reserve Command sa Tanza, Cavite.
Sa kasalukuyan ay masusi pang isinasailalim sa kustodya ng Phil. Army ang tatlong opisyal.
Aminado naman si Lucero na sa kasalukuyan ay wala pa silang ebidensiya na mag-uugnay sa nasabing mga opisyal sa Oplan Andres ng Magdalo group na nadawit sa Oakwood mutiny.
Muli ring tiniyak ni Lucero na mabibigo ang anumang tangkang destabilisasyon laban sa pamahalaan dahil nakahanda ang AFP at tatalima sila sa itinatadhana ng Saligang Batas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended