3 senador ni Gil kumalas
February 27, 2004 | 12:00am
Pormal nang tumiwalag kahapon ang tatlong kandidato sa pagka-senador sa ilalim ng tiket ni presidentiable Eddie Gil ng partido Isang Bansa, Isang Diwa. Nagsumite ng kani-kanilang petition for withdrawal sa Comelec law department ang mga kandidatong senador na sina Elcid Marcos, Pilar Pilapil at Eddie Ilarde.
Si Marcos ay tatakbo na lamang sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) habang sina Pilapil at Ilarde ay independent candidates na. Ayon sa tatlo, apektado na umano ang kanilang pangangampanya dahil halos wala nang tulong pinansiyal na ibinibigay sa kanila ang partido at hindi naman sila nabibigyan ng pagkakataon na maglunsad ng pambansang kampanya. Matatandaang napaulat na kinakapos na umano ng pondo si Gil makaraang magtalbugan ang mga tsekeng inisyu nito bilang pambayad sa hotel na tinutuluyan nito habang nangangampanya sa mga lalawigan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest