Media na sasaksi sa bitay sa Enero 30 sasalain na
January 25, 2004 | 12:00am
Nakatakdang salain ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Corrections ang mga miyembro ng media na sasaksi sa pagbitay sa dalawang kidnapper sa Enero 30 na sina Roberto Lara at Roderick Licayan.
Sinabi ni New Bilibid Prisons (NBP) Supt. Venancio Tesoro na aabot sa 10 miyembro ng media ang papayagang pumasok sa gagawing bitay. Dalawa dito ay mula sa broadsheet, dalawa sa tabloid, dalawa sa TV, dalawa sa radyo at dalawa sa foreign press.
Kailangan munang magsumite ng liham kay Justice Secretary Merceditas Gutierrez ang mga miyembro ng media entities ng hanggang Enero 26 upang malaman kung sino-sino ang interesado sa mga mamamahayag na sumaksi sa gaganaping execution.
Tulad ng mga nakalipas na pagbitay, idadaaan sa bunutan ang pagpili sa mga miyembro ng media sa Enero 28 sa loob ng NBP ganap na alas-9 ng umaga. Kasama ring sasaksi sa pagbitay si Gutierrez na siyang tatanggap ng tawag kay Pangulong Arroyo kung dapat pigilin ang pagbitay.
Si Gutierrez naman ang mag-uutos kay Bucor director Dionisio Santiago na magbibigay naman ng direktiba kay Tesoro para sa pagbitay kung saan ang huli ang siyang mag-uutos sa mga phlebotomists na iturok na ang gamot.
Nabatid kay Tesoro na tatanggap ang mga phlebotomists ng P8,000 sahod sa gagawin nilang pagbitay. Handa na rin ang apat na gamot na ituturok na nagkakahalaga ng P12,000 sa bawat pagbitay sa death convict. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended