Dinayang congressman ngayon lang idineklarang panalo
January 25, 2004 | 12:00am
Matapos ang halos tatlong taon ay kahapon lamang naideklarang nanalo ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) sa 2001 congressional race si Atty. Noel Cariño bilang opisyal na nagwaging kongresista ng Pasig City matapos na madaya ng "dagdag-bawas".
Sa isinagawang pagdinig ng HRET na binubuo ng tatlong mahistrado ng Supreme Court at anim na miyembro ng Kamara na dinaya sa 2001elections si Cariño ng kampo ng nakaupong si Rep. Henry Lanot.
Nabatid na naghain ng protesta si Cariño sa HRET noong May 29, 2001 dahil sa mga kuwestiyunableng bilang ng boto nito. Lumabas sa total tally na nakakuha ng 75,459 boto si Lanot at 74,311 votes kay Cariño kaya prinoklama noon na panalo si Lanot.
Pero kinuwestiyon ni Cariño ang resulta ng bilang sa may 1,518 precincts sa Pasig matapos na mapag-alaman nito na binawasan ng kampo ni Lanot at kaalyado nito ang kanyang boto. Hindi rin binasa ang ilang mga boto ni Cariño at isinampa pa sa kanyang kalaban ang ilang unofficial ballots.
Sa ginawang recount ng HRET sa mga kinuwestiyong balota, lumabas na mas mataas ang boto na nakuha ni Cariño na umabot sa 74,702 habang si Lanot ay nakakuha ng 73,333 votes kung saan 1,369 ang lamang ng panalo ng una.
Dahil dito, inirekomenda na ng HRET sa Comelec ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Lanot na nagsisilbi sa Kongreso ng halos magta-tatlong taon at sa alipores na nagmaniobra ng dagdag-bawas.
Si Cariño na tumatakbo ring kongresista ng Pasig sa May 2004 elections ay nakatakdang mag-courtesy call kay House Speaker Jose de Venecia at uupo sa puwesto bukas upang ilatag ang kanyang mga hakbang para sa kabutihan ng kanyang constituents sa Pasig kabilang na ang ipapanukala nitong gawing dalawang distrito ang Pasig City. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest