^

Bansa

Erap gusto na muling magpa-opera sa US

-
Nilinaw kahapon ni dating Pangulong Joseph Estrada sa Sandiganbayan Special Division na sa Amerika pa rin niya nais isagawa ang operasyon sa kanya dahil natatakot siyang maputulan ng tuhod kung dito ito gagawin sa bansa.

Ayon kay Estrada, ayaw niyang ipagsapalaran ang kanyang dalawang tuhod kaya sa ibang bansa pa rin niya nais ipaopera ang kanyang tuhod.

Pinabulaanan din ni Estrada ang mga ulat na mas nais niyang manatili sa bansa upang ipangampanya ang kanyang matalik na kaibigang si Fernando Poe Jr. na tatakbong presidente sa May 2004. Mas mahalaga aniya sa kanya ang kanyang kalusugan dahil ayaw niyang maparalitiko.

Wala din aniyang basehan ang sinasabi ng prosekusyon na tatakas siya sa sandaling makalabas ng Pilipinas. Ayon kay Estrada, hindi niya pinangarap na mabuhay na katulad ng isang kriminal na pinaghahanap ng batas.

Nakikipag-negosasyon pa rin sina Estrada kay Dr. Christopher Mow at sa ospital kung saan gagawin ang operasyon dahil $1.25 milyon ang hinihinging hospital fee ng Stanford University Hospital.

Isa sa pinagpipiliang ospital ni Estrada ang Loma Linda University Medical Center sa Los Angeles, California kung saan aabot lamang ng $300,000 ang kanyang operasyon na posibleng isagawa ni Dr. Thomas Donaldson.

Idinagdag ni Estrada na tinitingnan din nila ang posibilidad na gawin sa Europa ang operasyon kung saan si Dr. Mow din ang magsasagawa nito. Pero sinabi ng korte na kailangan ng panibagong mosyon para dito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

DR. CHRISTOPHER MOW

DR. MOW

DR. THOMAS DONALDSON

ESTRADA

FERNANDO POE JR.

LOMA LINDA UNIVERSITY MEDICAL CENTER

LOS ANGELES

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with