Pope inisnab ng Palasyo sa bitay
January 20, 2004 | 12:00am
Tanging judicial intervention na lamang ng Korte Suprema at hindi ang apela ng Santo Papa ang makakapigil sa execution ng dalawang kidnapper na sina Roberto Lara at Roderick Licayan sa Enero 30.
Ito ang binigyang-diin ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye bilang sagot sa rekomendasyon ng isang mambabatas na kailangang makialam si Pope John Paull II sa usapin ng nakatakdang pagbitay kina Lara at Licayan para mabago ang desisyon ng Presidente.
Ayon kay Bunye, ang naging desisyon ng Pangulo para alisin ang moratorium sa parusang bitay sa mga kasong kidnapping at droga ay bunsod ng pambansang interes.
"Itong desisyon ng ating Pangulo sa bagay na ito ay isang napakahirap na desisyon. At noon pa man, sinabi niya na bilang isang Katoliko siya ay personally against the imposition of death penalty. But for the sake of the higher national interest, she is willing to make an exception kapag ang nahaharap na kaso ay may kinalaman sa kidnapping at high-profile drug cases. Kaya ito pong pasya niya dito sa naka-schedule na executions sa January 30, more or less buo na iyan. Ang tanging pasubali po niya na nabanggit ay kung saka-sakaling magkaroon ng judicial intervention, meaning na kung ang Supreme Court ay magpalabas ng TRO, dahil mayroon umanong mga bagong ebidensiya na may kinalaman sa kaso," ani Bunye.
"The execution will push through as scheduled unless they are stayed by the High Court. We follow the rule of law," sabi pa ni Bunye.(Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended