^

Bansa

Pinoy contigent sa Liberia,patay na dumating

-
Makaraan ang dalawang buwang pagsasagawa ng peace keeping mission sa Liberia, dumating na isang malamig na bangkay ang isang opisyal ng Philippine Navy matapos na igupo ng malubhang sakit.

Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP-PIO) chief Lt. Col. Daniel Lucero, dakong alas-6:20 ng gabi kamakalawa nang dumating sa bansa ang mga labi ni PN Petty Officer 1 William G. Laroco,30.

Ang bangkay ni Laroco ay lulan ng eroplanong Crossair mula sa Zurich, Netherlands.

Si Laroco na kabilang sa 150 Filipino contingent na ipinadala sa Liberia noong Nobyembre 2,2003 para sa peace keeping mission ay nasawi matapos na atakihin ng sakit na cerebral malaria noong Enero 11, taong kasalukuyan.

Sinabi ni Lucero na ang presensya ng RP contigent sa Liberia ay bilang pagsuporta ng gobyerno ng Pilipinas sa international commitment nito bilang miyembro ng United Nations. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

DANIEL LUCERO

JOY CANTOS

LAROCO

PETTY OFFICER

PHILIPPINE NAVY

PUBLIC INFORMATION OFFICE

SI LAROCO

UNITED NATIONS

WILLIAM G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with