2 Pinay ginawang prosti sa Malaysia
January 8, 2004 | 12:00am
Dalawang Pilipina na nag-apply bilang mga domestic helper at waitress sa Malaysia ang ginawang sex slave at ibinebenta sa mga sindikato doon.
Ito ang nabatid sa Department of Foreign Affairs-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs matapos na dumulog kahapon ang ina ng isa sa mga biktimang Pinay.
Ayon kay Mrs. Elisera Cabadu, ina ng biktimang si Carol, 20, dalaga, na isang mensahe ang kanyang natanggap hinggil sa masaklap na sinapit ng anak.
Sinabi ni Gng. Cabadu na ni-recruit ang kanyang anak na si Carol nitong Nobyembre 29 upang magtrabaho bilang domestic helper o kaya ay waitress sa Malaysia subalit prostitusyon ang kinasadlakan nito.
Nabatid na lamang ng ginang ang naganap sa anak ng mag-text ang biktima sa isa nitong kakilala na humihingi ng tulong na nagpabatid naman sa ina nito.
Bukod kay Carol, isa pang Pinay na nagngangalang Armida ang kasama umano nito na ibinebenta sa mga parokyano na karamihan ay nasa sindikato.
Dahil dito, agad na inatasan ni DFA Usec. Jose Brillantes ang embahada ng Pilipinas sa Malaysia na hanapin ang mga biktima at magsagawa ng rescue operation. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended