Tambalang GMA-Noli vs FPJ-Loren ang maggigitgitan sa May 2004
January 3, 2004 | 12:00am
Ang tambalang GMA-Noli at FPJ-Loren ang siyang mag-aagawan sa pangunguna sa boto sa darating na halalan sa Mayo 2004.
Ito ang mapangahas na prediksiyon ni Housing Secretary Michael Defensor, spokesman ng political campaign ng kampo ni Pangulong Arroyo sa kabila ng pagkakaroon ng tatlo pang ibang kandidatong presidente na kinabibilangan nina dating Education Sec. Raul Roco, Sen. Panfilo Lacson at JIL leader Bro. Eddie Villanueva.
Ayon kay Defensor, ikinalulugod ng Malacañang ang pagkabuo ng Fernando Poe Jr. at Sen. Loren Legarda tandem na siyang magbibigay ng magandang laban sa tambalan ni Pangulong Arroyo at Sen. Noli de Castro.
Pero kahit hindi pa nagsisimula ang political campaign at sa Lunes pa lamang maghaharap ng certificate of candidacies ang Pangulo at Sen. de Castro, ang tambalang ito ang siya nang hinuhulaang magwawagi sa eleksiyon.
Kung ihahambing sa tambalang FPJ-Loren, sinabi ni Defensor na mas malakas at matibay ang GMA-Noli dahil sa kanilang track record, mga programang ipinatutupad sa pamahalaan at mga reporma.
Sinabi ni Defensor na bagaman malakas din ang FPJ-Loren, mas nakalalamang ang GMA-de Castro dahil hati anya ang oposisyon.
Samantala, inihayag ni Defensor na malamang makabuo na hanggang Lunes ng senatorial slate ang alyansa ng administrasyon.
Hanggang kahapon, sigurado nang pasok sa ilalabang senador ng administrasyon ay sina Pia Cayetano, Bong Revilla, Robert Jaworski, Robert Barbers, Mar Roxas, Roberto Pagdanganan at Heherson Alvarez. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended