^

Bansa

Gunman ni Betty Sy,timbog

-
Matapos ang mahigit isang buwang pagtatago sa batas, nasa-kote ng mga operatiba ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) ang gunman ng dinukot at pinaslang na Fil-Chinese na si Betty Chua Sy kasama ang girlfriend nito sa isang checkpoint sa Tacloban City, Leyte kamakalawa.

Kinilala ni NAKTAF Chairman Angelo Reyes ang nahuling suspek na si Lusencio Saliente alyas Esing, miyembro ng Waray-Waray kidnap-for-ransom gang, itinuturong triggerman sa pagpatay sa kinidnap na si Sy.

Kasama ring nasakote ng mga awtoridad ang girlfriend ng suspek na si Tricia Gutierrez na hinihinala ring kasabwat nito sa kaniyang illegal na aktibidad.

Nabatid na sina Saliente at Gutierrez ay nabitag ng mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) Visayas at ng Police Regional Office (PRO) 8 habang lulan ng isang pampasaherong bus patungong Maynila matapos maharang sa checkpoint sa San Juanico, Brgy. Cabalawan, Tacloban City dakong 1:30 ng hapon.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos makorner ng mga tauhan ng NAKTAF at nakumpiska rin mula rito ang isang cal. 38 revolver at mga bala.

Magugunita na ang Coca-Cola executive na si Sy ay dinukot ng mahigit sa anim na armadong suspek sa Congressional Avenue, Quezon City noong nakalipas na Nobyembre 10 taong ito at kinabukasan ay narekober ang bangkay sa Parañaque City.

Tiwala naman ang NAKTAF na susunod na mabibitag ang iba pang mga kasamahan ng naturang kidnappers habang patuloy ang imbestigasyon laban dito.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dalawang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BETTY CHUA SY

CHAIRMAN ANGELO REYES

CONGRESSIONAL AVENUE

JOY CANTOS

LUSENCIO SALIENTE

NATIONAL ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

POLICE REGIONAL OFFICE

QUEZON CITY

TACLOBAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with