Erap pinayagan nang magpa-opera sa US
December 24, 2003 | 12:00am
Sa kabila nang pagtutol ng prosekusyon, pinayagan na kahapon ng Sandiganbayan Special Division na makapagpa-opera si dating Pangulong Joseph Estrada ng kanyang osteoathritis sa Estados Unidos kung saan siya maaaring manatili sa loob ng tatlong buwan.
Apat sa limang mahistrado, sina presiding Justice Minita Chico Nazario, Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Diosdado Peralta at Norberto Geraldez Sr., ang pumabor sa kahilingan ni Estrada sa rason na "humanitarian consideration."
Pero pinanindigan naman ni Associate Justice Edilberto Sandoval na hindi dapat makalabas ng bansa ang dating pangulo. Hindi anya bahagi ng karapatan ni Estrada ang makapamili ng sariling doktor na itinatakda sa Konstitusyon dahil isa itong bilanggo.
Sa ilalim ng desisyon, pinayagan ng anti-graft court si Estrada na makalabas ng bansa upang maoperahan ni Dr. Christopher Mow sa Stanford Medical Center kapalit ng P1 milyong travel bond.
Bago umalis ng Pilipinas, mananatili muna ng 10 araw sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal si Erap at kinakailangang bumalik ito pagsapit ng Marso 31, 2004.
Matatandaang ibinasura ng Sandiganbayan ang unang kahilingan ni Estrada na makapagpagamot sa US dahil sa pangambang tumakas ito subalit muli itong umapela dahil sa paglala ng kanyang sakit sa tuhod.
Si Estrada ay nakaharap sa kasong perjury, pandarambong at illegal use of alias.
Hanggang kahapon ng hapon ay wala pang ipinalalabas na desisyon ang korte para naman sa kahilingan ni Estrada na makasama ang kanyang inang si Dona Mary Ejercito sa tahanan nito sa Greenhills, San Juan mula Disyembre 24 hanggang Enero 2, 2004.
Ikinatuwa naman ni Pangulong Arroyo ang naging desisyon ng Sandiganbayan na payagan ng makapagbiyahe sa US si Estrada para makapagpagamot ng kanyang tuhod.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na hangad daw ng Pangulo na mabigyan ng tamang medical treatment ang dating pangulo sa ngalan ng makataong kadahilanan.
Hudyat rin anya ito sa isinusulong na pambansang pagkakaisa sa panig ng mga tagasuporta ng dating pangulo. (Ulat nina Malou Rongalerios/Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest