^

Bansa

Mindanaoan vice-pres.plus factor sa tatakbong presidente

-
Makakatulong umano ng malaki para sa isang presidentiable kung ang makakatambal nito na bise-presidente sa eleksyon ay mula sa Mindanao.

Sinabi ni Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon na malaki ang maitutulong ng isang Mindanaoan vice-president para sa paghahanap ng kapayapaan sa naturang probinsiya.

Ayon sa mambabatas, madali umano nitong makuha ang tiwala ng mga rebelde dahil batid ng huli na pareho lamang sila ng pinagmulan at may kaparehong usapin na ipinaglalaban.

Sinabi pa nito na ibinabatay ng karamihan ng mga taga-Mindanao sa kanilang pagpili ang kuwalipikasyon, experience at tulong na maibibigay nito para maresolbahan ang problema sa Mindanao.

Isang solidong boto rin ang maibibigay ng grupo ng mga political at rebel leaders.

Kumpiyansa pa ito na maglalabas ang administrasyon ng desisyon kung sino ang magiging running mate ni Pangulong Arroyo.

Kabilang sa dalawang taga-Mindanao na maaaring pagpilian para sa VP ay sina Senators Robert Barbers at Nene Pimentel. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BENASING MACARAMBON

ISANG

MALOU RONGALERIOS

MINDANAO

NENE PIMENTEL

PANGULONG ARROYO

SENATORS ROBERT BARBERS

SINABI

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with