^

Bansa

Politika sinisi sa Leyte landslide

-
Ang hindi pagkakaloob ng sapat na atensiyon sa reforestation program at labis na pamumulitika ang dapat sisihin sa pagkamatay ng halos 200 katao at pagkawala ng maraming iba pa bunga ng landslide at flashflood na tumama sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao, partikular sa Southern Leyte.

Ito ang pahayag kahapon ni Jamby Abad Santos Madrigal, isang kilalang environmentalist at spokesperson ng Kontra Pulitika Movement (KPM).

"Dahil sa posibleng graft and corruption sa implementasyon ng government reforestation program, nagiging dahilan ito upang makalbo ang kabundukan at magkaroon ng landslide at flashflood na dulot ng malakas na ulan," ang sabi ni Madrigal.

Ayon sa mga report, ang tinamaan ng tone-toneladang putik na bumagsak mula sa kabundukan ay ang malalayong baryo mula sa mga bayan ng Liloan, Maasin at San Francisco sa Southern Leyte.

Sinabi ni Madrigal na 10 taon ang nakalilipas, ang bagong tanim na mga punongkahoy sa Paraon island, Southern Leyte ay sinunog ng mga tiwaling tao matapos ibulgar ng concerned citizen ang fund anomaly sa implementasyon ng proyekto.

Pinuna ni Madrigal ang ginawang pagkaltas ng Arroyo administration sa 2004 budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P7 bilyon. Ito ay kailangan ng DENR, ayon sa kanya.

"Ang kampanya upang protektahan ang ating mga bundok ay kailangang pag-ibayuhin at ito ay hindi dapat masaklaw ng pulitika," sabi pa ni Madrigal.

vuukle comment

AYON

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JAMBY ABAD SANTOS MADRIGAL

KONTRA PULITIKA MOVEMENT

LILOAN

MAASIN

SAN FRANCISCO

SOUTHERN LEYTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with