^

Bansa

Reward system sa tipster ni Robot ipinamamadali

-
Ipinag-utos na kahapon ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) Angelo Reyes ang mabilisang pagpoproseso sa reward para sa masuwerteng tipster na nagturo sa lugar kung saan nalambat si Abu Sayyaf Group (ASG) Ghalib Andang alyas Kumander Robot matapos ang isang engkuwentro sa Indanan, Sulu noong Disyembre 7 ng gabi.

Sinabi ni Reyes na dapat lamang na maibigay kaagad ang malaking halaga ng pabuya ng naturang tipster upang magsilbi itong inspirasyon sa mamamayan para sa ikapupuksa ng iba pang pinaghahanap na ASG top leaders.

Ayon kay Reyes, kailangang ihanda at tiyaking sa tamang informer mapupunta ang P5-M reward kapalit ng ulo ni Robot.

Si Robot na kabilang sa mga top leaders ng ASG na may reward na P5-M ay sugatang nadakip ng tropa ng Army’s 104th Brigade sa kagubatan ng Brgy. Panabuan, Indanan, Sulu matapos ang mahabang panahong pagtatago sa batas.

Binigyang diin pa ni Reyes na sa lalong madaling panahon ay dapat mapasakamay ng instant millionaire na tipster ang pabuya upang hindi naman masabi ng mga kritiko na ningas kugon ang reward system ng pamahalaan.

Maliban kay Robot kabilang pa sa pinaghahanap na mga top leader ng bandido na kapwa may patong sa ulong P5-M sina Khadaffy Janjalani, Hamsiraji Salih, Isnilon Hapilon at Abu Pula.

Magugunita na ang ASG ay sangkot sa pagdukot sa 21 hostages kabilang ang 18 Europeans sa Sipadan beach resort sa Sabah, Malaysia noong Abril 23, 2000 kung saan ang mga bihag ay itinago sa Sulu. (Ulat ni Joy Cantos )

vuukle comment

ABU PULA

ABU SAYYAF GROUP

ANGELO REYES

GHALIB ANDANG

HAMSIRAJI SALIH

INDANAN

ISNILON HAPILON

JOY CANTOS

KHADAFFY JANJALANI

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with