FPJ idineklara nang pambato ng oposisyon
December 11, 2003 | 12:00am
Tuluyan nang isinara ng oposisyon ang kanilang pinto kay Senator Panfilo Lacson matapos pormal na iproklama ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) bilang kandidato sa pagka-presidente si action king Fernando Poe Jr,. kahapon ng umaga sa Hotel Inter-Continental sa Makati City.
Hindi sinipot ni FPJ ang naturang pagtitipon subalit nagpasalamat ang aktor sa lubos na pagtitiwalang ibinibigay sa kanya.
Bagamat nalulula si FPJ sa suportang ibinibigay ng naturang grupo ay urong-sulong pa rin ito sa pagdedesisyon kung tatanggapin nito ang alok na tumakbong presidente sa darating na 2004 elections.
Sa kanyang mensahe sa pamamagitan ng phone patch, hindi lubos na tinanggap ni FPJ ang nominasyon pero nangakong sa lalong madaling panahon ay ipapaalam nito ang kanyang tugon sa kahilingan na siyay tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Limang matibay na kuwalipikasyon ang ikinokonsidera ng KNP bago tuluyang ideklara ang nominasyon sa naturang aktor na hindi sumipot sa naturang pagtitipon.
Binasa ni dating Senador Juan Ponce Enrile ang KNP resolution na pirmado nina Senador Edgardo Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), dating DAR secretary Horacio "Boy" Morales ng Puwersa ng Masang Pilipino at Makati Mayor Jejomar Binay para sa PDP-Laban.
Ayon sa KNP, nagpakita umano si FPJ ng malaking paghahangad na makapaglingkod sa bansa, makabayan, tapat, may integridad, patas na pagtingin sa lahat ng tao at may angking talino.
Dama umano ng grupo ang malaking pagtitiwala at kumpiyansa ng publiko partikular na sa loob ng industriya na kanyang kinabibilangan.
Nakapagpapalakas umano ng loob ang suporta sa aktor ng publiko saan mang panig ito ng bansa magtungo.
Naniniwala ang KNP na angkin ni FPJ ang kakayahang mapagbuklod ang bansa tungo sa pagkakaisa at pag-unlad. (Ulat nina Rudy Andal/Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended