^

Bansa

Destabilization vs GMA umalingasaw

-
Muli na namang umalingasaw ang panibagong destabilisasyon laban sa gobyerno ni Pangulong Arroyo na tinawag na "December coup" na umano’y ilulunsad ng isa na namang grupo ng mga junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dalawang pahinang manifesto ang kumalat kahapon mula sa isang grupo na nagpakilalang Patriotic Soldiers of the AFP (PSAFP) na pirmado ng isang nagpakilalang tagapangulo nito na may codename na 1st Lt. Andres Maypag-asa.

"GMA failed us. The betrayal made by the present administration to our brothers-in-arms will never be forgotten. More than three months have elapsed since the Oakwood protest but still reforms were not made and the terms of agreement are still blatantly violated," anang PSAFP na nagsabi pang lalabanan nila ang talamak na korapsiyon at katiwalian sa pamahalaan.

Tinukoy ng dismayadong grupo sa kanilang manifesto ang misteryosong pagkamatay ng isa nilang kasamahang si 1st Lt. Jeremy Gay-ya na nakadestino sa isang himpilan ng militar sa Camarines Sur noong nakalipas na buwan. Hinihinalang pinatahimik si Gay-ya ng mga "Ghost CAFGUs" ng kanilang battalion commander.

Kinumpirma ni Lt. Col. Daniel Lucero, hepe ng AFP-Public Information Office na totoong may nasawing sundalong Gay-ya na umano’y nahulog sa bangin sa kainitan na rin ng operasyon laban sa mga rebeldeng New People’s Army sa Camarines Sur nitong nakalipas na buwan ngunit nilinaw nito na walang foul play sa pagkasawi ng nasabing sundalo.

Naniniwala si Lucero na propaganda lamang ang pagpapakalat ng manifesto at minaliit pa niya ang kakayahan ng nasabing grupo na maglunsad ng kudeta. (Ulat ni Joy Cantos)

ANDRES MAYPAG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMARINES SUR

DANIEL LUCERO

JEREMY GAY

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PATRIOTIC SOLDIERS

PUBLIC INFORMATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with