^

Bansa

Walang sisibakin sa Gabinete

-
Walang pagugulunging ulo si Pangulong Arroyo sa mga miyembro ng kanyang Gabinete matapos magbitiw si Finance Secretary Jose Isidro Camacho sanhi ng kawalan ng suporta ng una sa mga isinusulong na reporma sa financial institutions ng huli.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ignacio Bunye, walang katotohanan ang balitang "massive exodus" na kumalat na sa mga economic managers.

Sa katunayan, matagal na aniyang nagpahayag ng planong pag-alis sa Gabinete ng Arroyo administration si Camacho mula pa noong Hulyo, subalit pinigilan lamang ito sanhi ng nabigong Oakwood mutiny.

Pinabulaanan rin ni Bunye na isa sa dahilan ng pagbibitiw ni Camacho ang hindi pagpayag umano ng Pangulo sa rekomendasyon nitong sibakin si GSIS general manager Winston Garcia bunga ng kabiguang magbigay ng benepisyo sa mga umuutang na miyembro nito at pension sa nagreretirong empleyado ng gobyerno. Nais ni Camacho na sibakin na sa puwesto si Garcia dahil sa palpak na pamamalakad nito sa GSIS subalit bunga ng political alliance nito, tinanggihan ng Pangulo ang mungkahi at iginiit na maghanap na lang ng ibang solusyon kaysa sibakin si Garcia.

Bunga ng pag-resign ni Camacho ay agad bumulusok ang piso sa pinakamababang antas nito.

Itinalagang acting Finance secretary ng Malacañang si Undersecretary Juanita Amato habang naghahanap pa ng kapalit kay Camacho. Ilan sa pinag-iisipang ipalit kay Camacho si Land Bank of the Philippines president Gary Teves at Bureau of Customs Commissioner Antonio Bernardo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BUREAU OF CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CAMACHO

FINANCE SECRETARY JOSE ISIDRO CAMACHO

GABINETE

GARCIA

GARY TEVES

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON IGNACIO BUNYE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with