^

Bansa

Impeachment ni Erap vs Davide tuluyang ibinasura

-
Tuluyan nang makakahinga ng maluwag si Chief Justice Hilario Davide matapos ibasura kahapon ng House committee on justice ang unang impeachment complaint na inihain ng kampo ni dating Pangulong Estrada laban sa kanya at pito pang mahistrado ng Korte Suprema.

Umabot sa 42 mambabatas sa 69 miyembro ng komite na pinamumunuan ni Samar Rep. Marcelino Libanan ang bumotong "insufficient in substance" ang reklamo, samantala 6 ang nagsabing sapat ang substansiya ng impeachment complaint habang dalawa ang nag-abstain.

Magugunitang isinampa laban sa mga mahistrado ang unang impeachment complaint dahil sa umano’y paglabag ng mga ito sa Konstitusyon matapos panumpain ni Davide si Pangulong Arroyo sa kasagsagan ng Edsa Dos noong 2001.

Ibinatay ang reklamo sa librong "Reforming the Judiciary" ni Justice Artemio Panganiban kung saan nabanggit dito ang pag-amin umano ng mahistrado na nakikipagsabwatan ang mga hukom upang maluklok sa puwesto si Arroyo kapalit ni Estrada.

Ang mga nag-endorso sa unang impeachment ay sina Reps. Ronaldo Zamora, Rolex Suplico, Didagen Dilangalen, Gilbert Remulla at Emmylou Taino-Santos. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

DIDAGEN DILANGALEN

EDSA DOS

EMMYLOU TAINO-SANTOS

GILBERT REMULLA

JUSTICE ARTEMIO PANGANIBAN

KORTE SUPREMA

MALOU RONGALERIOS

MARCELINO LIBANAN

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with