Press Usec. na umihi sa eroplano sa kalasingan, sinibak ni GMA
October 22, 2003 | 12:00am
Ipinasibak nga ba ni Pangulong Arroyo si Press Undersecretary Heraclio "Rocky" Nazareno dahil sa hindi kanais-nais nitong inasal sa eroplano habang siya ay lasing pabalik sa Pilipinas mula sa Paris?
Bagamat ayaw itong kumpirmahin ni Press Secretary Milton Alingod ay kinumpirma naman niya na malilipat si Nazareno sa opisina ni Presidential Adviser on Political Affairs Hernani Braganza.
Hiniling umano ni Braganza na malipat si Nazareno sa kanyang tanggapan matapos itong patawan ng "ban" ni Malacañang protocol officer Ambassador Marciano Paynor sa pagsama sa Presidential coverage sa labas ng bansa.
Nabatid na habang pabalik na sa Pilipinas mula sa Paris si Nazareno ay napadami daw ang nainom na alak nito kaya sa pagkalasing, inakalang pumasok siya sa comfort room para umihi pero ang napuntahan niya pala ay ang emergency exit ng eroplano.
Si Nazareno ang nakasama sa presidential coverage sa ginawang US state visit ni Pangulong Arroyo sa Amerika at pagbisita sa Roma at Paris, France.
Ang pangyayaring ito ay nasaksihan ng protocol officer at wala daw nagawa ito para mapigilan ang natarantang opisyal ng Press Office.
May nakapagsumbong naman sa Pangulo sa insidente dahilan para alisin umano ito sa puwesto. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended