4 bagets na tumangging sumapi sa NPA, binitay
October 13, 2003 | 12:00am
Apat na menor-de-edad na dinukot ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) may ilang linggo na ang nakalilipas upang gawing kasapi ng kilusan ang natagpuang nakalibing sa isang mababaw na hukay matapos paslangin nang magtangkang tumakas sa malagim na insidente sa Compostela Valley kamakailan.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, bandang alas-10 ng umaga nang mahukay ang bangkay ng mga biktima matapos na ituro ng isang civilian asset sa isang liblib na lugar sa Maco, Compostela Valley.
Kinilala ang mga biktima na sina Lito Doydoy, Marjorie Reynoso, Jonathan Benaro at Ramon Regase, pawang nasa pagitan ng 14 hanggang 16 taong gulang na mga estudyante sa sekondarya sa bayan ng Maco.
Ang bangkay ng mga biktima ay natagpuang tadtad ng mga tama ng bala, saksak at may bakas rin na tinorture muna ang mga ito bago tuluyang pinatay ng mga rebelde.
Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay magkakasamang dinukot ng mga rebelde kaugnay na rin ng desperadong hakbang ng mga ito para makapangalap ng mga sasapi sa komunistang grupo.
Ang mga biktima ay positibong kinilala ng kanilang mga pamilya na ang kanilang mga nawawalang anak.
Nabatid pa sa report ng militar, bunga ng kahirapan sa panig ng mga rebelde na makapag-recruit ay napipilitan ang mga itong magsagawa ng pagdukot sa mga kabataan at sapilitang doktrinahan ng mga aral ng komunismo.
Pinaniniwalaan namang ang mga biktima ay nagtangkang tumakas kaya napilitan ang mga rebelde na patayin ang mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest