Lakas solons nagbunyi sa pahayag ni GMA sa '04
October 5, 2003 | 12:00am
Ipinagbunyi ng mga mambabatas mula sa partido Lakas-Christian Muslim Democrats ang ginawang desisyon ni Pangulong Arroyo na lumahok bilang kandidato sa 2004 presidential elections.
Tinawag na "sukdulang sakripisyo," sinabi ng mga mambabatas sa pamumuno ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na inihahanda na nila ang daan para sa Pangulo upang maging standard bearer ng partido sa darating na halalan sa Mayo 2004.
"Ngayon na ang panahon upang tumaas sa larangan ng pulitika. Sa kanyang desisyon, umaasa kami na maipagpapatuloy ang kanyang sinimulang mga programa at patakaran at tulungan siya upang makamit ang isang matatag na republika," pahayag pa ng chairman ng House committee on national defense.
Sa panig naman ni House Assistant Majority Floorleader Alan Peter Cayetano, sinabi nito na buo ang suporta ng Lakas kay Pangulong Arroyo dahil siya ang pinakamalakas na pambato sa darating na halalang pampanguluhan.
Naniniwala naman si dating House Majority Floorleader Rodolfo Albano na kulang na kulang ang termino ni Mrs. Arroyo.
"Matagal na ako sa pulitika at nakita ko ang kanyang mga pinagpawisan bilang pangulo, at tingin ko kulang ang dalawang taong pananatili niya sa puwesto upang magawa pa ang dapat magawa," pahayag pa ng kinatawan mula sa Isabela. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended