Extradition vs Lacson boys sa Kuratong handa na
October 2, 2003 | 12:00am
Nakahanda na ang Department of Justice (DOJ) para sa gagawing pagpapabalik sa bansa sa mga police officials na sangkot sa Kuratong Baleleng rubout case laban kay Senador Panfilo Lacson.
Sinabi ni state counsel Dina Teñala, tanging warrant of arrest lang na magmumula sa hukuman ang hinihintay na dokumento para maisulong na ang extradition process laban kina P/Supt. Cesar Mancao at Michael Ray Aquino na napabalitang nagtatago ngayon sa Amerika.
Ayon pa dito, tukoy na rin nila ang kinaroroonan ng dalawang pulis na nag-AWOL sa serbisyo na ngayon ay nasa US din at kadalasan ay tumatawid sa bansang Canada.
Sa ngayon, hindi pa pormal na makakilos ang DOJ dahil hinihintay pa nila ang pinal na desisyon ng Supreme Court kaugnay sa inihaing motion for reconsideration ni Lacson para mabaligtad ang naunang hatol sa Kuratong Baleleng case.
Gayunman, pinag-aaralan pa rin ng kagawaran kung agad na maisusulong ang kahilingan para sa provisionary arrest laban kina Mancao upang hindi na ito makapagtago pa dahil malapit nang ilabas ng SC ang hatol sa naturang kaso.
Sina Mancao at Aquino ay iilan lamang sa mga police officials na sangkot sa multiple murder case sa 11 miyembro ng Kuratong robbery syndicate noong Mayo 18, 1995 na sinasabing ipinapatay ni Lacson noong ito pa ang hepe ng binuwag na Presidential Anti-Crime Task Force (PAOCTF) at Presidential Anti-Crime Commission (PACC).
Kasama din sa mga isinasangkot sa naturang kaso sina Sr. Supt. Francisco Zubia, C/Supt. Romeo Acop, C/Supt. Jewel Canson at 37 opisyal at miyembro ng PAOCTF at PACC.
Sina Mancao at Aquino ay isinasangkot din sa pagdukot at pagpatay kay PR man Salvador "Bubby" Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest