^

Bansa

LDP mahahati: Danding o Ping?

-
Posibleng mahati ang Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) dahil sa ilang miyembro nito ang pabor na maging standard bearer ng United Opposition si Sen. Panfilo Lacson kaysa kay businessman Eduardo "Danding" Cojuangco Jr. ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Inindorso ng ilang miyembro ng LDP sa La Union, Ilocos Sur at Pangasinan si Sen. Lacson bilang kanilang napipisil na maging standard bearer ng partido sa darating na 2004 elections sa ginanap na consultative meeting dito.

Labindalawa naman sa 14 regional chapters ng LDP ang nagpasa ng resolusyon kamakailan kung saan ay binibigyan ng kapangyarihan si LDP president Sen. Edgardo Angara upang pumili ng magiging standard bearer ng partido at pumasok sa isang koalisyon upang mapalakas at mabuo ang United Opposition.

Maging sa ginanap na national executive meeting ng LDP nitong Biyernes ay napagkasunduan na bumuo ng 5-man panel ang partido sa pamumuno ni Angara para sa posibleng pakikipag-koalisyon sa NPC, Liberal Party, PDP-Laban at Partido ng Masang Pilipino. Tinanggap naman ng NPC ang alok ni Angara.

Sinabi kamakalawa ni dating Ambassador Ernesto Maceda, NPC president, na nakahanda si Danding na maging standard bearer ng United Opposition sa sandaling siya ang mapusuan at handa rin siyang magbigay kung hindi mapipili.

Nakatakdang mag-usap sina Danding at Fernando Poe Jr. sa darating na Oktubre 2 para talakayin ang magiging plano ng mga ito para sa 2004 elections.

Aniya, posibleng ang maging tandem ay Danding-FPJ o Danding-Loren o Danding-Ping, anuman ang mapagkasunduan ng binubuong United Opposition. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AMBASSADOR ERNESTO MACEDA

ANGARA

COJUANGCO JR.

DEMOKRATIKONG PILIPINO

EDGARDO ANGARA

FERNANDO POE JR.

ILOCOS SUR

LA UNION

LABAN

UNITED OPPOSITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with